Ang Guia ng BAKAL sa QC

Ang Guia ng BAKAL sa QC

Konteksto ng Kwento

Ang Center for Popular Empowerment (CPE) sa pakikipagtulungan sa APL – Women ay tinukoy ang barangay Pasong Putik at Bagong Silangan upang isa-praktika ang BAKAL Project ng IPG.

Nasa dalawang barangay maikukonsiderang malakas ang ugnay o pamumuno ng KAMAO, TESEF at APL – Women sa mga nakatayong People’s Organizations.

Pero sa simula pa lang puno na ng hamon at pagsubok ang ilulunsad na Bayanihan sa Kalunsuran o BAKAL sa anyo ng Barangay Development Planning – Participatory Learning Actions (BDP-PLA).

Una, katatapos lang ng barangay elections, naging mahigpit na magkatunggali si Fatima Cabanag, lider ng KAMAO at ang nanalong Punong Barangay na si Jess Dungca sa Pasong Putik. Ganundin din ang sitwasyon sa Bagong Silangan, nasa panig ng oposisyon ang lokal na KAMAO laban kay Armando Endaya. Malinaw na hindi kakampi ang dalawang pinuno ng barangay, ikalawa, polarisado ang mga organisasyon ng mamamayan, ikatlo ay tradisyunal ang paraan ng istilo ng pamumuno, walang puwang ang partisipasyon ng mamamayan sa pamamahala at planong pang-kaunlaran.

Si Guia Bati-on ay isa mga coordinator/organizer ng APL-Women at katulad ng iba pa mula sa kanilang hanay ay ngayon lang aktwal na magsasagawa ng BDP-PLA. Kung kaya ang buong proseso ng BDP ay isang paglalakbay tungo sa bagong karanasan at pagtuklas ng kaalaman na hindi simple ang landas na daraanan.

Sundan natin ang kwentuhan…..

Bago ‘to ah, pabirong sambit ni Guia kay Ed Chavez ng CPE. Hindi kaya kami mahirapan sa gagawin nating ito, mas sanay ako sa pag-oorganisa sa hanay ng mga manggagawa at mala-manggagawang kababaihan. Sa APL-Women, pagmumulat sa kalagayan ng kababaihan na api na sa pagawaan ay api pa rin sa bahay, bitbit namin ang mundo, kalaban namin ang sistema at ang gobyernong hindi naglilingkod sa interes ng manggagawa higit pa sa kababihan, ito ang aming nilalabanan at inilalantad sa aming mga martsa sa kalsada at barikada, maging sa pakikipaghabulan sa mga pulis sa paanan ng Mendiola. Ano ba ang maitutulong ng seminar na to sa facilitation ng BDP, tanong ni Guia habang nakangiti at may hawak na tasa ng kape, yosi break sila noon sa 3 day seminar ng BDP-PLA Facilitator’s Training Course na ginanap sa Tagaytay.

Kasama sa seminar na ito ang 12 pang bubuo bilang mga facilitator sa gagawing BDP-PLA. Ang barangay Pasong Putik at Bagong Silangan ay parehong nasa ikalawang distrito ng QC, mayorya sa populasyon nito ay pawang manggagawa,mala-manggagawa at maralita Ang dalawang nabanggit na barangay ay matagal ng kinikilusan ng KAMAO, isang organisasyon ng maralitang obrero at kabahagi ng APL at ayon kay Fatima Cabanag ang lider ng KAMAO ay nakatayo rin ang mga tsapter ng AKBAYAN sa dalawang nasabing barangay.

May magagawa bang bago ang sinasabi mong BAKAL na yan. Lumaki ako sa bakal pero bakal na pumuputok, biro ni Guia kasabay ang malutong na halakhak. Ano ba ang meron sa BarangayDevelopment Planning na wala sa mga kurso sa pag-oorganisa na natapos ko na. Wala na sigurong bago pa sa mga ginagawa namin, direkta ang pagkilos namin sa paglalantad sa mga katiwalian sa gobyerno, pawang eksperto sa pag-oorganisa at pagpapakilos sa kababaihan at manggagawa ang mga ate, tita at syempre pa ang nanay ko, sabay turo kay ate Juliet niya, kay ate Dang na kasama rin sa seminar at parang nagku-kwento sa napanood niya hinggil sa husay sa pagsasalita sa entablado ng kanyang tita Fatma at tita Marlene at nanay niyang si Daday na pawang mga lider ng APL – Women. Ano ba yang Bayanihan sa Kalunsuran na yan, may hihigit pa ba sa kabayanihan ng mga manggagawa.

Tawa lang na malakas ang isinagot ni Ed Chavez, na parang tinatantya pa ang kakayahan ni Guia na ang edad ay nasa higit bente pa lang pero lumaki sa piling ng mga magulang na parehong organisador ng manggagawa. Tiyak ni Ed na ang mga tanong ni Guia ay tanong ng paninibago at paghahanap ng kaugnayan sa kasalukuyan niyang gawain sa APL – Women.

Si Guia ang tumayong head ng secretariat, inilarga na ang plano at inuna ang Barangay Pasong Putik. Nasa hilagang bahagi ng QC ang barangay at nasa boundary na ito ng Lungsod ng Kalookan. Ang barangay ay nasa sentro ng SM at Robinson’s mall, napapaligiran din ito ng mga de – gwardiyang subdibisyon. Maging ang barangay hall nito ay nasa loob ng isang de-klaseng subdibisyon at malayo sa lugar ng mayorya ng populasyon na kinabibilangan ng mga maralita.

Ang barangay Bagong Silangan naman sabi nga sa pangalan ay nasa bahaging silangan ng QC at nasa boundary naman ng San Mateo Rizal, katulad ng naunang barangay ay napapaligiran din ito ng magagarang subdibisyon at bago mo marating ang barangay, hindi malalaking malls ang nasa bukana kundi ang House of Representatives, tahanan ng mga inihalal ng taumbayan para sana itaguyod ang interes ng nakararaming mamamayan.

Ang hirap pala nito, iba sa pag-oorganisa ng kababaihan, parang naiiritang banggit ni Guia, pano ba naman yan itong grupo ko na siyang may hawak ng usapin ng kalagayan ng kalikasan, kalinisan at kalusugan ay parang mga tunganga lang. nakakapanibago itong ginagawa ko reklamo niya kay Ed, dito kailangan mong hikayatin ang bawa’t isa na magsalita, palabasin ang kanilang nalalaman, masyado namang napipiga ang talent ko dito, hinagpis pa ni Guia. Sa unang araw palang ng BDP-PLA.

Ano ayaw mo na, tanong ni Ed, yan ang pagpa-plano sa lokal, binabago mo ang pananaw ng mga karaniwang lider sa pakikilahok sa paggo-gobyerno, talagang mahirap yan, pang-aalaska ni Ed, sabay lektyur, dito sa BDP bahagi lang na tinatalakay ang GAD, inaalam mo lang kong alam ng mga organisasyon sa barangay kung saan ginagastos ang budget ng GAD, mas marami kang matutunan, may tungkol sa administrasyon ng barangay, sa peace and order, ang kalagayan ng kalikasan, pati hatian sa trabaho ng babae at lalaki, mga kabataang walang hanapbuhay at iyong mga nag-aaral, malalaman mo paano patakbuhin ang isang gobyerno na kalahok ang mamamayan, hindi simple banat pa ni Ed.kung sa pag-oorganisa ng unyon ang tawag ay kompre SI.

Ang tiyaga niyo, balik ni Guia. Parang mas madaling magsagawa ng social investigation sa mga manggagawa sa pabrika, kumpara dito sa komunidad. Sa pabrika, halos madaling magkaunawaan ang mga manggagawa pag-pinag-uusapan ang pagsasamantala ng kapitalista, dito sa barangay kahit litaw na ang pangungurakot at mga paglabag sa mga isinasaad ng LGC ay parang napakahirap pang ipaliwanag sa mga tao, lalo pa at may mga lider ng organisasyong may direktang pakinabang sa tserman, pagkukumpara ni Guia.

Matapos ang init, ulan, putik, panggigipit ng mga punong barangay sa dalawang barangay ay nakaraos din ang BAKAL Project. Ano ba itong ginawa natin, bakit natin pinahirapan ng husto ang mga sarili natin, bakit ito ang pinili nating mga barangay na parehong trapo at brusko ang mga kapitan ng barangay, mas mabuti pa ang martsa sa Mendiola pwede mong isigaw sa lahat ang isyu mo dito hindi, dinadaan mo sa mga debate at pipilitin mong dumating sa pagkakasundo na hindi kailangang magbotohan, haaaay ano ba yan, parte ba ito ng initiation rites ng BAKAL, malakas ang boses ni Guia na parang sinasabi niya na ang kanyang assessment sa katatapos na proseso ng BDP, habang nasa byahe at papunta naman ang grupo sa Ciudad Christia upang isagawa ang proseso ng pagpa-package sa natapos na BDP. Tawanan ang lahat ng nasa sasakyan at sabay sabay na nagsabing hayyyy sinabi mo pa.

Sa writeshop, aktibo ang lahat kahit dama mo ang pagod at hirap na dinaanan sa halos tigli-limang araw na proseso ng BDP sa dalawang barangay. Kantiyawan pag may pagkakataon, saway ng saway si Guia, walang tigil ang kwentuhan lalo pa pag tungkol sa mga lumahok sa BDP na alam mong tuta ni kapitan at pilit na inaalam kung ano ang nangyayari sa ginagawang proseso pero bandang huli ay matututo sa kahalagahan ng ginagawa at unti-unting makikibahagi sa kanyang mga nalalaman, dito pinakamalakas ang kwento ni Wency na siya naman talagang naasahan ni Guia sa mga gawaing teknikal at sa pakikitungo at pakikipag-ugnayan sa mga kagawad at kilalang lider ng kapitan.

Bago na naman to, sigaw ni Guia kay Ed, masyado palang maraming sangka itong BDP, plano mo, facilitate mo tapos ikaw pa rin ang magsusulat sa natapos ninyong plano…grabe na to ha…bira pa ni Guia. Hindi pa tapos yan, sabi ni Ed, next level na tayo, ibebenta naman natin itong naisulat na sa librong plano ng barangay para maisakatuparan ang mga planong ginawa natin. Pledging session ang tawag sa aktibidad na yun, ikaw pa rin ang mangunguna para tiyakin ang pagdalo ng lahat ng mga lider ng PO na dumalo sa dalawang barangay, mga kagawad na magtataguyod sa ating plano, ako naman ang bahala para imbitahan ang mga taga-city hall, mga NGO, mga pulitiko at mararangal na taong tutulong para maisakatuparan ang ating plano. Ano ayos ba ang ating hatian ng gawain…kaya pa ba, biro ni Ed.

Magarang kasuotan ng isang binibini ang damit ni Guia, pumwesto na siya sa attendance table na nasa bukana ng session hall ng QC, aligaga siya sa pag-aasikaso, o yung mga display natin ikabit na habang wala pa ang karamihan, ang tinutukoy ni Guia ay ang mga kuha sa barangay na siyang laman ng priority projects ng BDP, mga larawan ng sira-sirang kalsada, drainage, basura sa creek, mga posteng walang ilaw, mga datos ng kababaihan, kabataan, kabuhayan sa barangay at marami pang larawan na inilagay nila sa mga cardboards at matiyagang sinulatan ng mga deskripsyon.

Dumating naman si Bong, organisador ni Vice Mayor Herbert ‘Bistek” Bautista at tiniyak niyang darating si Vice, dala niya na rin ang suportang pang-meryenda at ang nahiram na widescreen para sa LCD. Nagpasalamat si Guia at Ed, maya-maya pa napuno na ang bulwagan, naroon lahat ang mga kalahok na lider ng PO, mga kagawad, pati mga natalong kandidato sa barangay ay nagdatingan din at nakikiisa, dumating din lahat ng mga tinukoy na pinuno ng mga departamento ng QC at maging mga representative ng iba’t-ibang opisyal ng lungsod.

Si Ed ang nag-emcee at humamon sa mga opisyal upang tumugon sa mga plano ng barangay, habang abala naman si Guia sa pagtiyak ng lahat ng mga requirements sa pledging.

Hay salamat nakaraos din buntung-hininga ni Guia kay Ed, ang ganda ng sinabi ni vice mayor, nakakataas ng morale , nawala lahat ang pagod ko ng sabihin niyang ang ginagawa nating bayanihan sa kalunsuran ay kapuri-puri at siyang nararapat upang bigyan ng kapangyarihan ang mamamayan, ang haba lang ng speech niya sabi ni Guia.

Kukuwentahin natin lahat ng pledge para makuha ang kantidad at kalidad at ii-endorso natin ito sa mga kapanalig nating opisyal ng barangay upang kanilang aprubahan at itaguyod balik naman ni Ed sa kanya…kaya hindi pa tayo tapos, ang susunod natin ay isusumite itong BDP natin sa Punong Barangay sa tulong ng mga kagawad at lahat ng lider ng PO na pumirma at nakasama natin sa proseso. Ang dulo nito ay ang pagbubuo ng BDC na naroon ang tatlong ihahalal ng mga PO na magrerepresenta, paglilinaw ni Ed kay Guia.

Ano ba yan, wala na bang katapusan yan padabog na biro ni Guia. Ito na ang totoong laban, sabi ni Ed, wala sa paanan ng Mendiola kundi sa loob ng mga barangay hall ang tagisan. Alam nating bastusan na ito at sa malamang ay hindi tatanggapin ni Jesus Dungca ang kapitan ng barangay ng Pasong Putik at ganun din ni Armando Endaya ng Bagong Silangan kung kaya dito pa lang magsisismula ang pagpapakita ng totoong esensya ng bayanihan sa barangay, ang pagtutulungan ng mga PO upang isakatuparan ang pinagpagurang barangay development plan, ano handa ka na ba, hamon ni Ed kay Guia.

Grabeeee na ‘to , mataas ang boses ni Guia habang hawak ang ulo na para bang gustong sabubutan ang sarili. Nagkatotoo na ang pinangangambahan, hindi tinanggap ng dalawang kapitan ang natapos na BDP sa halip ay tila nag-usap ang dalawa na pareho ang naging pamamaraan nila. Inisa-isa ang mga kagawad at pinangakuan ng mga proyekto at badyet para isakatuparan, isinantabi ang mga natapos na BDP. Tama ka nga kuya Ed, ito pa lang ang simula ng laban, talagang mas komplikado sa lokal, dama mo ang mga maniobra at pagpihit ng mga kakampi pag may pera ng gumagalaw. Praktikal ang natututuhan ko dito sabi pa ni Guia, ibang klase ang dating ng BAKAL, talagang kailangan mong i-solido ang mga PO upang magkaroon ng tunay na pagbabago.

Tama ka, sabi ni Ed at pumorma na para mag-lektyur, hindi sa BDP nagtatapos ang partisipasyon sa paggo-gobyerno, ang hamon ay kung paano pakikilusin ang mga PO upang sila mismo ay maisakatuparan ang mga prayoridad sa kanilang buhay at barangay. Sa ganito pa lang makikita ang katatagan ng mga PO kung sila mismo mula sa hanay ng kanilang kasapian ay nagkakaroon ng realidad ang mga plano. Kung sa pamamagitan ng bayanihan ay sama-sama nilang gagawin ang sirang kalsada at drainage,at sa kanila pa ring pagkakaisa ay maitatayo ang kooperatiba upang tumugon sa pangangailangan nila sa kapital. Sa kalagayan natin iyan ang kagyat na hamon, ikonsolida ang lahat ng mga PO upang matibay nating isulong ang pagtatayo ng totoong BDC habang tayo mismo ay nagtutulungan para lutasin ang mga problemang ating napalitaw pero may kasagutan, yun nga lang hindi atin ang kapitan kaya tuloy ang pagpapalakas at pagpapakita na kaya rin nating mamamahala.

Oo nga kuya Ed, ngayon ko napag-uugnay ang labanan sa lokal na mga komunidad ay karugtong ng labanan sa mga pabrika, syudad hanggang sa antas pambansa, susi ang pagkakaisa at pagkilos ng aktibong mamamayan para makamit ang mga pangarap, pagmumuni-muni ni Guia.

Tama ka Guia, alam mo bang habang abala tayo sa kondukta ng BDP ay abala rin kami nila Fatima at iba pang kasama sa paglahok sa City Development Council, at alam mo bang pareho kaming nahalal sa executive committee nito. Sa CDC ay mapag-uusapan sa antas syudad ang mga BDC at ang BDP ng mga barangay. Kaya lang kahit nakakaupo ako sa mga plano kasama ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan pakiramdam ko ay hindi sapat ang pangil ng CDC para mapag-usapan ang hindi pagpapatupad ng punong barangay sa BDP na PO-NGO initiated. Sa tingin ko pa rin ang CDC ng QC, bagama’t abante na sa ibang syudad dito sa NCR ay palamuti pa rin sa mga konseho, una para tumugon sa sinasabi ng LGC at ikalawa ay para rin makontrol ang kilos ng mga PO-NGO na nasa loob ng CDC. Marami pa rin kasi na ang mga aktibo sa loob ng CDC ay mga tradisyunal na organisasyon. Kailangan pa nating ikampanya sa ating mga pinamumunuan at impluwensyadong organisasyong masa na aktibong lumahok sa prosesong ito ng CDC para makamit natin ang totoong mapanlahok na paggo-gobyerno, yan naman ang laban natin sa antas syudad.

Sa totoo lang dugtong pa ni Ed, kasama ang CPE sa pangunguna para maisabatas ang Participation, Accountability and Transparency bill dito sa QC. Sa pamamagitan ng ordinansang ito pag naaprubahan, magkakaroon ng ngipin ang CDC, ang nakaupong Local sectoral representative ay may say sa mga plano ng QC at pati sa allocation ng budget. Kaya hindi tayo dapat tumigil sa pakikilahok sa lokal na pamamahala, maaaring sa ngayon ay hindi pa natin maipatupad ang ating plano pero ang isang positibo ay may pagtugon ang mga punong barangay sa Pasong Putik at Bagong Silangan, kahit hindi nila aminin ang mga proyektong kanilang ginagawa ay laman ng ating BDP, gaya ng pagdadagdag ng ilaw sa mga poste, pagtatalaga ng mga tanod sa mga sulok na lugar, aktibong pagtugon sa reklamo ng mamamayan at iba pa, sabad ni Wency sa kuwentuhan. Ang kagandahan pa ng pakikilahok natin sa antas syudad ay nagkakaroon din presyur mula sa ibabaw, ito yung tinatawag na bibingka strategy ng mga magsasaka na lumalaban para sa reporma sa lupa, may gamit din sa atin, ang apoy sa ilalim at apoy sa ibabaw para maluto ng ayos ang inihanda nating plano. O ano laban ka pa, ano ngayon ang masasabi mo, wala bang bago sa mga natutuhan mo. Pagsusuma ni Ed.

Bigtime kuya Ed, simple pero rock ang BAKAL, ang daming nadagdag sa kaalaman ko, panalo, iba ito, hindi mo lang naimumulat ang kababaihan sa kanilang karapatan, mas higit pa kapag aktibo silang kalahok sa pagg-gobyerno. Mas higit ko pang mapaghuhusay ang gawain ko sa APL – Women, mas lumawak ang nalaman ko sa kahalagahan ng pag-uugnayan ng laban sa mga barangay sa anyo ng bayanihan para sa barangay development planning. Para mapagsama-sama ang iba’t-ibang PO sa komunidad anuman ang kanilang isinusulong na adbokasiya ay lagi ng kabahagi ang interes ng tao sa barangayan. Maraming salamat kuya Ed, tuloy-tuloy ang laban natin sa Task Force BDP, titiyakin ko na makuha ang pinakamaraming suporta sa lahat ng PO para matiyak na pakinggan tayo ng mga tserman, maipakita sa kanilang hindi tayo kalaban bagkus ay iisa sa layuning isulong at tugunan ang interes ng mga naninirahan sa barangay. Maraming salamat talaga, hanggang sa susunod na pulong ng TF-BDP. Kita-kits sabay babay na si Guia at mga kasama.

Posted in Uncategorized | Comments Off

history, historya

What’s Happening to our Country, General?

  1. Bago ang ‘Hello Garci’, ang nananawagan sa pagbaba ni Gloria ay ang grupo ni Badong (CNU) at ni Boy (KMLG) tumatagos ang mobilization money nila patungo sa iba’t-ibang ‘left groups’. Ungguyan karaniwan ang mga mobilization, pinakamataas na ang 20% sa target mob ang dumadalo at ang badyet na nakuha ay gamit naman sa consol activities ng iba’t-ibang grupo.
  2. Nag-trigger ang ‘hello garci’ sa iba’t-ibang unity/alliances at lumarga ang serye ng mga ‘mass mobilizations’. Nabuo ang LnM, UNO, Hyatt 10/Black and White at ang mas malawak na Bukluran para sa Katotohanan. Nagsasariling kilos ang CNU at may sariling disenyo ng ‘revolutionary council’, ang grupo ni Boy ay nakisawsaw sa UNO at sila ang nag-secretariat sa united moves kasama ang RA.
  3. Ang bawa’t grupo ay may kanya-kanyang modelong itsura ng gobyernong ipapalit, mula sa TRG ng LnM, nagsulputan ang iba’t-ibang pangalan at variations kung ano ang ipapalit.
  4. Hindi bumulwak ang masa sa kalsada, nyutral ang posisyon ng CBCP, hati ang malalaking negosyo, nasa transisyon ang liderato ng AFP, mula kay Gen. Abu naisalin kay Gen. Senga.
  5. Hindi umubra ang ‘Resign, Impeach at Oust’ na panawagan, litaw na watak-watak ang elitistang oposisyon, hindi bumubuhos ang pondo, naghihintayan kung sino ang bibigay.
  6. Lumarga ang pagsandig sa ‘extra-constitutional’ na pagkilos kasama ang mga progresibong militar sa loob ng AFP ng halos lahat ng nasa oposisyon mula sa mga elitista pati na ang ekstremistang kaliwa, bigo rin ito.
  7. Sa lahat ng mga pagkilos na ito ay may panapat na pangontra si Gloria, CPR, EO 464 at PP1017 o SoNE, gamit ang pinansya at mga institusyon ng gobyerno, lumilitaw na siya ang nangingibabaw sa labanan.
  8. Humupa ang labanan sa kalsada, tumiklop ang mga junior, rumatsada ang ChaCha dinala sa barangay ang labanan, kaalinsabay na idineklarang iligal ng SC ang CPR, EO464 at maging ang PP1017.
  9. Sa ChaCha lahat ng baraha ay tinatayaan ni Gloria matiyak lang ang panalo, gamit ang PIG, kaladkad niya ang DILG at ULAP sa panukalang ConAss kabig niya naman ang House of Rep at ang birador niya sa Senado na si Miriam T.
  10. Nagsalita ng kontra sa PIG ang CBCP, El Shaddai at maging ang INC, sumabay din ang ilang taga-malaking negosyo, umalingawngaw muli ang posibilidad ng ConAss at maging ang ConCon bilang pamalit.
  11. Sa mga nangyayari sa kasalukuyan, may bumubulong sa hangin ng posibilidad ng ‘snap election’ o ‘special elections’, samantalang patuloy na dumadami ang pinapatay sa hanay ng BM, mga journalists at may ilang nadadamay na sa ating mga lider.
  12. Sa gitna ng mga pangyayari ng patuloy na pagpatay sa mga open leaders, gamit ng AFP ang isyu ng ‘purging’, wala ring matingkad na pagtuligsa mula sa masa, simbahan at iba pang organisasyon o maging kritikal na opinyong publiko habang patuloy na dumadami ang bangkay, tila ba may nilulutong pakulo na ang kalalabasan ay kasabwa’t tayo at kukulapulan ng uling ang ating Partido.
  13. Sa mga nagaganap, mukhang kailangan nating umupo at pag-aralan ang mga kamay na may pakana at nagpapakilos sa likod ng lahat ng ito, ano ba talaga, ChaCha o Special Elections, Kudeta o US intervention, ‘what’s happening’ may engrande bang pakulo na nakaambang maganap, tayo na ba ang susunod na target ng karahasan, kailangan ba nating maghanda ng mga security precautions o business as usual ang attitude natin. Tuloy-tuloy ang likidasyon, inaresto maging mga lider ni erap, hindi alam ng mga alipores ni Gloria sa AFP ang nangyari, sino ang tumitira, black army ba, ang US, ang perfect storm design ba ni FVR.

‘Hitlist”

Ang listahang kinapapalooban ng 50 pangalan at ‘john does’ na inilabas ng gobyernong Arroyo at nagsasabing mga lider ng sabwatang kaliwa at kanan na nagplanong patalsikin siya sa pwesto sa pamamagitan ng kudeta ay nagsisilbing ‘hitlist’ na ginagamit ngayon ng mga ‘loyal intel operatives’ sa kanilang ‘legit operations’ upang hulihin ang mga nasa ‘underground’ at ilubog naman sa kung anu-anong kaso ang mga ‘open leaders’.

Litaw na ang layunin ng paglalabas ng listahan ay upang takutin o pahupain ang serye ng mga pagkilos sa kalsada ng mga oposisyon at mga grupong nananawagan upang patalsikin si Gloria sa pwesto. Sa kabilang banda ay mai-project naman na nangingibabaw o nananalo na sa labanan at may matibay na  kontrol sa kapangyarihan si Gloria.

May mga inaresto, may nanatili sa pwesto at kabi-kabila ang banta sa mga prominenteng lider ng oposisyon

Current Picture of the Philippine Society

  1. Mula sa presentation ng national situation ni Ronald Llamas, taga-Pangulo ng Partido Akbayan, sa isinagawang 2-araw na pulong pagtatasa at pagpo-programa ng komite sa kongreso ng Akbayan sa UP Bonsai Garden .
  2. Pinasadahan niya ang mga karakter sa lipunang Pilipino, ang mga nagtutunggaliang pwersa, mga ind ibidwal na maimpluwensya, mga tradisyunal na partido, ang kaliwang demokratiko at ekstremista at kan ilang mga proyekto, ang masa at ang may mga mapagpasyang papel sa pagpihit ng opinyong publiko at klima ng labanan.
  3. Ayon sa kanyang pagtalakay, ang nagdaang taon ng Hunyo ‘05 at Hunyo ’06 ay kinatampukan / kinakitaan ng mga pangyayaring dati ay hiwa-hiwalay kung maganap batay sa kasaysayan ng mga pampulitikang pakikibaka at pag-aalsa dito sa ating bayan.
  4. Bago naganap ang unang pag-aalsa sa EDSA taong 1986 ay ilang dekada na ang nagdaan matapos ang “First Quarter Storm” ng 1971. Ang EDSA 2 ay naganap matapos ang 15 taon pero ilang buwan lang ay naganap ang ikatlong pag-aalsa sa EDSA.
  5. Ang nakaraang taon ng krisis pulitikal ay kinatampukan ng banggaan ng mga elitista at mga mukha ng trapong kumakatawan sa mga elitistang paksyon nasa kapangyarihan man o oposisyon. Naging matingkad din naman ang guhitan ng linya ng mga pwersang nasa kaliwa at kumakatawan sa uring api at mayorya ng mamamayang Pilipino.
  6. Sa panghuli ay inilatag niya ang hamon sa ating Partido, mga pagsusuri at analisis sa sitwasyon, mga pagkilos na kailangang tugunan at saan ang lugar na dapat kalagyan ng ating Partido matapos humupa ang alikabok ng tunggalian, lilitaw ba tayong higit na matatag at handa sa mga darating pang pagsubok o talunan. Nasa atin ang pagpapasya.

Political Spectrum Landscape

Ø      Portrait of the Power-controlling Elite

  1. Ang larawan na halatang plastik ang ngiti at boses ng niyuyuping lata ay siya ring itsura sa totoong buhay, Gloriang-Gloria ang dating saan mo man sipatin. Ang elitistang kapit-tuko sa kapangyarihan at  kaharian ang turing sa Malakanyang. Sa itsura pa lang ng mukha ay halata na ang kasalanan pero kailanman ay hindi aaminin abutin man ng pagkabaliw kapag natanggal sa kapangyarihan. Maaliwalas na ekonomiya at bagong sistema-pulitikal ang ipinangangalandakan at ang kabiguang umangat ay bunga naman ng panggugulo ng mga nasa oposisyon at maka-kaliwang grupo. Wala siyang kasalanan sa krisis, pawang kabutihan lang ang kanyang iniisip para sa bayan.
  2. Ang rehimeng GMA ay napapalibutan ng mga mukhang pinasikat ng midya, ang larawan ng korapsyon ay mukha ni Mike, Iggy at Mikey Arroyo ang litaw, natatanaw mo ang mga construction deals, business transactions, smuggling, gambling, sa madaling sabi ay kontrol sa lagayan bago payagan, mula ligal hanggang iligal ay mukha ng mag-anak ang nangingibabaw.
  3. Ang elitistang larawan ng hunyango, si Chavit Singson at mga trapong ang tawag ay pragmatiko at mga kunwang progresibo, tumagal ang buhay mula sa rehimeng diktadura tungo sa isang pina-unlad na tipo ng diktadura muli. Bulag sa kapangyarihan ang itsurang tampok. Miriam Defensor, JDV, Puno, FVR, Enrile, Atienza, Evardone…
  4. Ang mukha ng elitista na ang hawak sa kapangyarihan ay hindi dulot ng eleksyon kundi ng pagiging malapit, kaibigang maaasahan at mistulang masunuring aso labas ang dila at kakawag-kawag ang buntot, itsura ng sobrang kayabangan at malapit sa kabaliwan, Mike Defensor, Gonzales, Ermita, Bunye…mukhang inosente… Senga, Panganiban, Cruz…
  5. Nariyan din ang mukhang ang itsura ay halata mong nasobrahan na sa paghimod sa amo, ang mga salitang namumutawi sa tuwing kailangan nilang magpaliwanag sa mga kapalpakan ay ‘siya po’, ‘sila po’ at ang mga kamay ay may daliring nagtuturo. Kung nakakamatay lang ang mura at alipusta tiyak na sila ang mauuna sa dami ng nagmumura sa tuwing bubukas ang kanilang mga bibig…Bunye, Abalos, Gonzales, Abcede
  6. Mahigpit ang kapit, tila mga buwayang ayaw bitiwan ang nginangasab na pagkain. Maririnig mo ang kan ilang pagtatanggol sa mga polisiya ng gobyernong Arroyo na pinapaboran ang kan ilang mga interes sa negosyo at kapital, tiyak nila ang pakinabang habang si Gloria ang nasa katungkulan. Ito ang mga elitistang nasa likod ng mga pulitikong taguyod ang makaluma at konserbatibong sistema ng lipunan. Meron ding tumataya sa magkabilang panig ng kan ilang mga kauri, sinuman ang nasa ibabaw pareho ang pakinabang.

Ø      Pictures of the Elite Opposition

  1. Ang elitistang larawan ng isang asong malakas kumahol, labas ang pangil pero bahag ang buntot, itsura ng oposisyon, Zamora, Drilon, Erap, Ping, Gringo, Marcoses, Binay at ang mga parating na ‘modernizing trapo’ , Chiz, Allan Peter, Darlene…gamit ang makalumang pormula ng pakikipag-alyansa sa mga kaliwang pwersa kasabwat ang ilang dating mukha rin ng kaliwa, para sa mobilisasyon at ingay sa pagtuligsa pero nakahanda ang iba pang istratehiya ng pakikipagsabwatan makuha lamang ang kapangyarihan.
  2. Itsura ng matandang pilosopo, ang larawan ng mga lokal na trapo, nangangaral sa kawastuhan ng katapatan basta may katapat, pera, proyekto at pwesto, itsura ng progresibong naging trapo o ‘hustler’ ang dating… Binay, Butz…sangkap din sa grupo ang La Liga ni BM, tumatayong secretariat sa mga alyansa at united front.
  3. Larawan din ng pag-uurong-sulong ang iba pang bahagi ng elitistang oposisyon, nagngangalit ang panga at tikom ang kamao pero malumanay at kunwang sibilisado sa mga binibitawang pahayag…Cory, kumupas na kaya ang taglay na mahika ng dilaw? Susan…naghihintay sa hudyat mula sa Nazareno kung pangungunahan ang taumbayan o magmu-mukmok na lang muna…
  4. Itsura ng mga nilipasan ng panahon ang mga kampon ng elitistang oposisyon, nagpupumilit magpakita ng tigas ng paninindigan pero halatang laos na at pera na lang ang gumagana para kumilos pa pana-panahon ang bayarang makinarya…Saycon, Enriquez, Abat, Montayre…
  5. Ang aali-aligid at mistulang mga anino, bumabangga sa mga konserbatibo at nagpapahayag ng mga kontra-agos na posisyon, nagtataguyod sa isang mali nis na gobyerno, ang mga ‘modernizing elites’ ay naka-antabay, umaasam na makakamit ng kanilang mga kakamping lider-elitista ang gobyernong magtataguyod sa kanilang pangarap na lipunan.

Ø      Sketches of Major Power Brokers

  1. Hindi rin mawawala sa mapa ang iba pang player at aktor sa ating lipunan na hindi na matatawaran ang papel sa mga mapagpasyang sandali ng tunggalian sa elitistang kapangyarihan, naka-abang sa mabilisang pagpihit ng sitwasyon, larawan ng isang nakangiting nagsasabi na nakaisa na naman ako, ayos talaga ang timing, kagalang-galang ang dating…simbahang katoliko, el shaddai, iglesia ni cristo, ilang lider-heneral ng AFP, ang midya, big business at US.
  2. Iba ang dating ng simbahan sa kasalukuyang labanan ng mga elitista, pinalabnaw ang kan ilang posisyon at hinayaan ang pagpapasya sa mamamayan. Ang patawing-tawing na posisyon ay lumikha ng opinyong suportado ng simbahan ang rehimeng Gloria, nagpalala sa pagiging pasibo, kan ya-kanyang buhay muna kahit na matindi at hindi nagbabago ang negatibong persepsyon.
  3. Organisado at malakas ang dating pero hindi pa nasubukang tumayong mag-isa…ang AFP…maging mga ‘junior officers’ ay sumasandig sa pipol power, pumihit man ng katapatan ang sentrong pamunuan, tinitiyak nitong ang nagkakaisang kilos ng mamamayan ay mahusay na kober at pananggalang. Nagdudunung-dunungan pero sunud-sunuran.
  4. Itsura na laging nakatawa sa panahon man ng kalungkutan at kagipitan, iyan ang larawan ng midya, humuhubog sa pakiramdam ng taong-bayan, mapagpasya rin sa labanan, bumibira o kaya’y kumakabig ang imahe, mahusay sa balanse, alam kung kailan kailangang tumawid na ng katapatan at sambahin ang dumarating na bagong kapangyarihan. Sa midya mo mararamdaman kung matagal pa ang kiskisan ng mga nag-aagawan sa kapangyarihan.
  5. Itsura ng sigurista, ang dating ng mga organisasyon ng malaking negosyo, ang bahagi ng ‘modernizing elites’ ay hindi mo halos marinig ang boses, hindi mo maramdaman ang kamandag ng kanilang kapangyarihan, umaambon lang at hindi umuulan, pinakikiramdaman ang pag-gastos, nakataya sa lahat ng nagtutunggalian, kaiba sa naging pagkilos nila noong panahong ang kalaban ay si Erap.
  6. May sopistikasyon at diplomatikong dating ang itsura ng projection ng Estados Unidos o ang kanyang representante dito sa ating bayan, bumibira sa midya, nakikipag-usap sa oposisyon, tinatantya ang lakas ng bawa’t grupo at indibidwal na kalahok sa ‘power play o ‘political crisis’. Pinipitik pakonti-konti ang rehimeng GMA, nagpaparamdam ng galit, nagbibigay ng disimuladong pag-asa sa elitistang oposisyon, simple pero rock ang aktitud, hindi pa makitaan ng alternatibo mula sa oposisyon pero may duda sa kapasidad ni Gloria.

Ø      The Left Broken into Pieces

  1. Larawan ng tibay at disiplinang bakal, kunot ang noo at may istuka sa mukha ang ekstremistang kaliwa, nilalapitan, nakikipag-ugnayan maging kaaway sa uri, malabo ang hugis ng kung sino ang nagsasamantala at pinagsasamantalahan sa nabuong relasyon. Gamitan ang ekspresyon ng larawan, mainit ang pakiramdam na may lihim na motibo sa pakikipag-relasyon, pwersa kapalit ng pera o pag-abante ng ultimong layunin. Sa pananaw ng karaniwang tao, hindi na maintindihan kung ano ba talaga ang ipinaglalaban ng Bayan Muna, Anakpawis, Gabriela at marami pang ‘aboveground organizations’ ng RA, dati kaaway si Marcos, si Erap, ngayon kasama nila sa mga nabuong organisasyon laban kay Gloria, ano ba talaga ang gusto.Galit sa Akbayan.
  2. Naghahanap naman ng masusulingan ang nagkadibi-dibisyong kaliwa na nagpoproyekto sa kasalukuyan ng isang malawak na kaisahan upang tumingkad ang lawak ng lilim, larawan ng seryosong pakikipag-relasyon ang mga nasa demokratikong kaliwa, pero kahit laging may dudang kasama nabuo pa rin ang Laban ng Masa. Nagpupumilit gumuhit sa ekstra-konstitusyunal na daan, nagpapalaganap ng transisyunal na rebolusyonaryong gobyerno kapag kinayang pabagsakin ang nagbabanggaang mga elitista. Libre ang mangarap.

Ø      Akbayan Citizen’s Action Party: The New Fulcrum of Unity?

  1. The picture of the ‘modernizing left’, Akbayan Citizens Action Party, aspiring to be projected as the democratic left, the alternative and progressive party – list with pluralism as basic party foundation and using multiple lenses in defining Philippine society relations. Sa kasalukuyan ay pumapapel na magneto ng relasyon sa loob ng Laban ng Masa at may atraksyon din sa iba pang organisasyong ayaw namang madikit sa ibang kaliwang grupong nasa loob ng LnM, ito ay ayon sa Pangulo ng ating Partido, kapag binabanggit niya sa lahat ng kanyang porum sa loob ng organisasyon ng ating Partido ay walang halong yabang.

Ø      The Picture of the Unorganized but Decisive Factor

  1. Larawan ng pagkainis at kawalang pag-asa ang itsura ng ating panggitnang pwersa, cynical, dudoso, walang tiwala, pumapalatak ng panghihinayang habang inaayos ang visa patungo sa ‘greener pastures’, parang nagsasabing ayan na naman kayo, wala namang nangyayari sa buhay. Ang mga organisadong kasama sa kilusang galit sa mga elitista ay ang karampot na impluwensyado ng sana sumikat din ako sa larangan ng pulitikang nagtatanggol sa masa pero kaunti lang ang abot ng impluwensya.
  2. Ang kabataan, tipikal ang itsura na hindi pa alam ang patutunguhan, naguguluhan, ang dating balwarte ng intelektwal na pag-iingay at progresibong paninindigan sa mga kritikal na isyung panlipunan ay tila ba mapurol na kutsilyong ang talab ay nasa maliit na bahagi lang at hindi pa solido ang likhang tabas. Mga kabataan mula sa maralitang komunidad ang karaniwang itsura ng mga mobilisasyon, mapa-RA man o pagkilos natin, larawan ng sunod sa agos, tapang na wala sa lugar, takbuhin pag nakaramdam ng panganib. Hindi rin marinig ang opinyon ng pag-asa ng bayan, nasasayang, napapariwarang buhay, may maiksing memorya sa kasaysayan, mababaw ang pagka-makabayan, may pangarap na yumaman sa pangingibang – bayan. Epekto marahil ng mababang kalidad ng kalusugan at edukasyon.
  3. Ang OF, itsura ng maskara sa pelikula, ang larawan ng tuwa at luha, ng panghihinayang, pero marahang tumatango at sinasabing tanggap ko na, kan ya-kanya muna. Ang kanilang mga remittances ay mayor ang ambag sa pagpapanatiling nakalutang ang ating ekonomiya, nakapagpapalakas sa linya ng serbisyo. May bagong kultura ang nahuhubog mula sa mga pamilya ng OF at mga komunidad na kan ilang kinabibilangan, ang hndi pag-asa sa gobyerno na maisasaayos pa ang kabuhayan ng mamamayan.
  4. Ang masa, ang masa, itsura ng hukot na katawan, blangko ang larawan ng mukha, pagod at subsob sa paghahanap ng ikabubuhay, ayaw makialam, pasibo at tila nagsawa na sa mga pangakong pagbabago sa tagumpay ng pag-aalsa. Palalang kahirapan, kawalang pag-asa, kanya-kanya muna ang sagot sa mga panawagan, sasama lang kung may panawid – gutom, pandugtong sa walang katiyakang buhay. Pesimistiko ang tanaw sa kinabukasan, hirap pakilusin, naghahanap ng mukhang masasandigan, may tibay ang paninindigan at hindi mang-iiwan sa kagipitan. Hindi ito makita ng masa sa mga mukha ng pwersang naglalaban-laban sa kapangyarihan sa kasalukuyan, kaya minamabuti na munang manahimik at itaguyod ang kanya-kanyang buhay muna.
  5. Iyan ang larawan ng ating lipunan, talamak na kahirapan, away-away sa paghahatian sa natitirang yaman ng ating bayan ang mga elitistang higit sa 5 dekada na ang kontrol sa sistemang malupit sa ‘working people’ at ‘toiling masses’. Nabubulok na lipunan, siphayo at kawalang pag-asa ang nararamdaman ng mamamayan. Patuloy pa ang krisis. Litaw na ang bulok na sistema.  Hindi ‘Party-List o ‘Patches of Green’ ang kasagutan sa kalagayang ito ng ating lipunan, ng ating bayang Pilipinas.

Pagkatapos ipakita ang class picture ng lipunang Pilipino, tinapos ito sa tanong at agitation sa situation. Sinundan agad ng presentation naman ng mga moves at actions ng mga contending forces at analisis sa mga pupuntahan ng bawa’t pagkilos.

  1. Binigyang-diin muli ni Ronald Llamas, ang presidente ng ating Partido Akbayan ang kakaibang sitwasyong umiiral sa ating lipunan, ang hindi pa maresolbang krisis pulitikal, sa bawa’t pag-ahon/pagsalag ni Gloria sa hamon ng oposisyon at progresibo ay hindi nagbabago sa ibaba ang rating sa mga sarbey, walang epekto kung naligtasan man ang problemang kinaharap.
  2. At ang katotohanang hindi krisis pang-ekonomiya ang magti-trigger sa inaasam nating ispontanyong pagkilos ng mamamayan para palitan na ang bulok na sistema. Nasa 30 milyong indibidwal ang direktang nakikinabang sa padalang pera ng mga OF, maaaring nakakabawas sa pulutong ng mga Pilipinong gutom.
  3. Hindi mawawala sa equation ang namamayaning persepsyon sa mayorya ng mamamayan, walang tiwala sa gobyerno ni Gloria pero walang makitang kapalit, bukod pa sa pakiramdam na nagagamit lang pero wala namang nagbabago, o ayon kay Prof. Randy David, tumatalino na ang mamamayan hindi na basta-basta mapapasunod, nag-iisip na.
  4. Sa kabila niyan, patuloy ang paglala ng kahirapan. Hindi ito katulad sa mga naunang pag-aalsang pulitikal na nilahukan ng ispontanyo, kapalit ni Ninoy si Cory, kapalit ni Erap si Gloria kahit binaluktot pa nila ang depinisyon sa konstitusyon sa tulong ng Korte Suprema. Ngayon, kapalit sana ni FPJ ay si Susan pero ayaw, mataas ang popularity rating pero mababa ang konbersyon sa boto kasi walang anunsyo kong interesadong maging kandidato.
  5. Kung kaya walang klarong mukha na pwedeng ipalit, lahat halos ay luma at gasgas na, walang mapag-pilian kailangan pang gawin, likhain ang imahe ng isang alternatibong lider na maaaring kumakatawan din sa isang alternatibong sistema.

Sa sumada pa lang ng sitwasyon gusto mo nang itanong, paano nga ang gagawin, ayaw ngang sumama. Nawawala ang mga MF, naguguluhan ang YS, nanonood lang ang mga OF, busy ang mga manggagawa sa pagbilang ng araw bago dumating ang ika-limang buwan, ang mga magsasaka ay nawawalan na ng pag-asa, ang urban poor, bahala na. Ang elitistang oposisyon, mahigpit ang kapit sa bulsa, ayaw tumodo ng taya umaasa pa rin na may negosasyon mapanatili lang na mangibabaw ang sistemang elitista. Kung kaya pag-aralan natin ang kanilang mga kilos at mula doon ay kunin natin ang pinakamaunlad na paraan sa pagbuo ng ating estratehiya’t taktika sa konstitusyunal na arena ng labanan.

Ø      Mga kaganapan at pagkilos ng iba’t-ibang pwersa

  1. Sa Hunyo 27, muli na namang isasampa sa House ang impeachment kay Gloria. Noong nakaraang taon, bigo ang proseso ng impeachment, hindi umabot sa 79 na pirma ng mga kongresista para sana maisampa sa Senado at matiyak ang pag-usad nito. Ginawa ni Gloria ang lahat, mula sa suhol hanggang sa pananakot sa mga kongresista pati na sa mga pamilya nila. Ang laro sa impeachment ng elitistang oposisyon ay nagpakita ng pagkakahati-hati, ang partido ni Erap na PMP at Imee Marcos ay hindi pumirma. Bukod pa sa pananabotahe ni Lozano at ang malabong interpretasyon ng Korte Suprema. Sa huling balita ay larga ang pagbili ni JDV sa boto ng mga nasa oposisyon bukod pa sa pag-ipit sa pondo ng pork barrel sa mga matitibay na naninindigan. Kaya sa malamang ay wala na namang mangyari sa usaping ito ng impeachment, pero kailangan natin itong lahukan at himukin ang paglahok ng mamamayan. May malayang inisyatiba na isinasagawa ang mga anti-Gloria mula sa panggitnang pwersa na pagsasampa ng kasong impeachment sa pangunguna ng mamamayan, iiendorso naman ito ng mga oposisyunistang kongresista sa loob ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. ( hindi nag-file si Lozano, nanggagalaiti naman si Cong. Nograles—majority floor-leader-sinasabi niyang sa Hulyo pa maikokonsidera ang ika-isang taon ng impeachment case, bukod pa sa wala namang naiba sa mga kasong isinampa kaya tiyak niyang ito ay mababasura lamang—nagbanta naman si dating VP Guingona na magkakaroon ng civil disobedience kapag walang nangyari sa kaso.
  2. ChaCha ang sagot sa bulok na sistema, ito ang linya ni Gloria para ibenta ang pagpapalit ng konstitusyon at tipo ng gobyerno, kapag naaprubahan, magiging parliamentary at unicameral ang tipo ng gobyerno natin, lusaw na ang senado at may karagdagang superpower si Gloria para huwag mapatalsik sa pwesto. Sa pagsusuri ng ating Partido sa layunin ng chacha ni Gloria, klaro ang gustong tumbukin, una maging lehitimo ang panunungkulan o kontrol sa kapangyarihan, ikalawa, ibigay ang gusto ng US, IMF, WB at WTO o sa madaling sabi ay maging ligal ang pagmamay-ari ng dayuhan sa ating ekonomiya at ikatlo ay panatilihin ang elitistang sistema ng paghahari.
  3. Kontra ang CBCP, El Shaddai, maging ang INC, kasama rin sa mga kumokontra ang mga personalidad na nyutral sa usapin ng pagpapatalsik kay Gloria pero ngayon ay anti-ChaCha.
  4. Naglabas naman ng bayad na pahayag sa Phil. Daily Inquirer ang grupong ‘One Voice’, kasama sa mga nakapirma si Arsobispo Angel Lagdameo ng Simbahang Katoliko at kasalukuyang taga-Pangulo ng CBCP kasama ang higit sa 80 lider indibidwal na kumakatawan sa burgesya, laban sila sa ChaCha ni Gloria
  5. Batay sa mga bagong pangyayari may pag-atras na ang palasyo na kaya pang maganap ang pagbabago ng konstitusyon ayon sa kanilang timeline, maraming ibinalabag sa riles ng chacha train kung kaya ang express ay naging ordinary at hindi makakarating sa takdang oras.
  6. Ganunpaman laging nakalutang sa arsenal ng mga taktika ang ChaCha, sa sandaling mali ngat tayo ay bigla na lamang nakahain sa ating harapan.
  7. Idineklarang iligal ng Supreme Court ang paggamit ni Gloria sa kanyang mga ekstra-kapangyarihan tula d ng CPR laban sa mga kilos-protesta, EO464 laban sa mga ipinapatawag na imbestigasyon ng Kongreso at ang PP1017 na pwede niyang supilin ang lahat ng kalayaang – sibil ng mamamayan, ganunpaman patuloy niya pa rin itong ginagamit at walang maingay na pagtuligsang maririnig. Litaw ang hangarin ni Gloria nang pagpapatuloy sa kapangyarihan anuman ang maging kapalit.
  8. Ratsada at tuloy ang arangkada ng pagtumba at pag-aresto sa mga lider at kasapi ng kaliwa at kan ang grupo na nagplano ng kudeta laban kay Gloria noong nakaraang Pebrero, naging mahusay na kobe r ang dahilang may sabwatan ang ekstremistang kaliwa, CPP/NPA/NDF at kan ilang mga ligal na organisasyon sa mga grupo ng kan an na kinakatawan naman ng mga ‘tiwaling opisyal’ at kasapi ng AFP, aktibo at retirado, ang RAM, Magdalo atbp para ibagsak ang gobyerno ni Gloria.
  9. Kamakailan lang ay may dinampot na limang lider ng UMDJ, isang organisasyong pinopondohan ni Erap ang mga pagkilos, nagkabuhol-buhol ang palasyo at AFP sa pagpapaliwanag na hindi nila alam kung nasaan ang 5 sa dahilang wala silang kinalaman sa pagkawala ng mga ito, pero pare-parehong nalunok nila ang kanilang mga dila ng aminin ng ISAFP na sila ang dumampot sa limang lider ni Erap. Para makabawi sa blunder, ipinagpilitan ng AFP na ang target nila ay ang pinuno ng CPP sa Manila- Rizal at may atas na itumba si GMA sa lalong madaling panahon. Sa kahihiyan ay pinalaya nila ang lima kahit sariwa pa ang mga marka ng tortyur at bali ang dalawang tadyang ng 60-anyos na lalaking pinaghinalaan.
  10. Maging ang UNORKA, isang progresibong organisasyon ng mga magsasaka, kabalikat ng AKBAYAN, ay may 6 na lider ng napatay, pinakahuli sa talaan ay ang kanilang pangkalahatang kalihim na si Ka Eric Cabanit, malubhang nasugatan ang anak na dalaga sa isinagawang pananambang ng 2 kalalakihan, ayon sa ulat ay nakilala na at hawak na ng mga pulis. (sa tagal matapos ng papel na ito, inabutan na ng deklarasyon ni Gloria na nagbigay ng P1B karagdagang pondo sa AFP upang lipulin ang kaliwa sa loob ng 2 taon, walang duda kasama tayo tiyak sa listahan).
  11. Nadagdagan na naman ang lider ng TFM sa Negros ang pinatay, si Wilfredo Cornea, pinagbibintangan ng CPP-NPA na ang tumira ay ang RPA-ABB.
  12. Sa Bulacan, sinunog ang effigy ng ating representante na si Risa Hontiveros-Baraquel sa isang ‘peace rally’ na pinamunuan ni Gen. Palparan, kumander ng 7th IB PA na naka-deploy sa Central Luzon. Bago pa ito ay sinuyod na ng mga militar ang tirahan ng mga lider at kasapi ng AKBAYAN sa Nueva Ecija, pinagsabihang itigil na ang kontra sa gobyernong gawain ng AKBAYAN at sapilitang pinasama rin sa ‘peace rally’ sa plaza na may hawak ng plakard na itinatakwil ang AKBAYAN.
  13. Bago lang ang naganap naman sa Isabela, pinulong ng mga lalaking nakasakay sa isang military truck na 6×6 pawang mga naka-fatigue at may baril na mahahaba, ang labinlimang magsasakang naroon sa paligid at winarningan sila na huwag ng sasama sa rali laban kay Gloria at itigil na ang pag-oorganisa sa mga magsasakang nasa lupang  pag-aari ng Hacienda Gerena sa higit sa 200 ektaryang lupang sakahan ng palay at gulay.
  14. Hiwalay pa ang pangyayaring pangha-harass ng mga hindi kilalang lalaki na sakay ng isang owner-type jeep na kulay fatigue sa isasagawang asembliya ng seksyon ng AKBAYAN sa munisipalidad ng Ramon na pinamumunuan ng division chair na si Charlie dela Cruz. Nang malaman na ang pagtitpon ay para sa AKBAYAN, nag-order ang mga hindi nagpakilalang lalaki na ‘itigil na ang gagawing pagpupulong upang huwag ng humaba pa’. Itinigil na ang seksyon assembly, kahit na sa loob pa ng DAR Municipal Office isinagawa ang pagpupulong at alam ng punong administrador ang paggamit dito. Mas malala pa ang nagaganap ngayon sa Bondoc Peninsula , Quezon, nakakulong ang mga lider at kasapi ng mga magsasakang nasa ilalim ng pag-oorganisa ng PEACE, matapos sampahan ng kasong kriminal ng CIDG sa Kampo Crame.
  15. Ang mga nabanggit na pangyayari ay kagyat na tinutugunan, isinasaayos, isinasalansan at pinag-aaralan pa ng AKBAYAN Legal Committee upang malapatan ng angkop na hakbang at upang pigilan at labanan ang mga paglabag sa karapatang – pantao ng gobyerno ni Gloria.
  16. Ang galaw na ito ni GMA ay sopistikadong pagdadala sa sinasabing ‘creeping martial law’, maraming aral ang hinalaw niya mula sa mga negatibong dulot ng lantarang pasistang paghahari ni Marcos noon at mahusay niya itong iniiwasan, ikalawa ay ang ubod-galing na paggamit sa kultura ng kawalang-tiwala at pagkakanya-kanya, ang nangingibabaw na pangkalahatang persepsyon ng mamamayan at panghuli ay ang katotohanan na maraming kadreng nagmula sa iba-ibang ‘shades of left’ noon ang nasa kabinete ni Gloria at mas matindi pa sa mga heneral kung mag-isip kung paano pupulbusin ang paglaban ng organisadong mamamayan, ‘know your enemies’ ika nga ni Sun Tzu.
  17. May mga pangkat naman na nagsusulong sa panawagang ‘snap elections’ na ka-back-to-back ng kasong impeachment. Binigyang katwiran ito sa dahilang kung impeachment lang ang isasalang, madaling mangibabaw ang pagkontra ng mayorya sa mga kongresista sa magkanong kapalit ang paninindigan. Pero kung nakasalang ang senaryo ng ‘snap election’ sa equation ng mga posibleng pagresolba sa political crisis ay maaaring tumibay ang paninindigan ng marami sa mga ‘pragmatikong kongresista’ na sumang-ayon sa impeachment sa dahilang popogi ang dating nila at maiiwasang makasama sa patuloy na negatibong pandama kay Gloria ng taumbayan sa 2007 elections kung matutuloy.
  18. Sa totoo lang, ang may pinakamalaking panalo sa ideyang ito ay si Ping , sa dahilang sa mga sarbey ng ‘presidentiables’ ay sumusunod siya kay Erap, kung hindi na tatakbo si Erap, paborable ang sitwasyon sa kanya, kapuna-puna nga ang hindi pagbuhos ng pinansya ni Ping sa mga pagkilos laban kay Gloria, dinadaan lang sa mga ‘press conference’ ang kanyang posisyon sa mga isyu para huwag mawala sa political limelight.
  19. Sa ating paghahanda sa pagharap sa mga isinalang na problema ng elitistang paghahari sa katawan ni Gloria, komprehensibo ang nara rapat na paghahanda at pagtugon sa mga hamon. Ang naka-ambang diktadura, ang ChaCha, ang impeachment, ang 2007 elections at maging snap elections pati na ang ‘extra-constitutional options’ na magbibigay posibilidad sa TRG.

Ø      Pagsusuri at Pagkilos ng ating Partido Akbayan

Sa kabuuan, ang pagsusuri ng Presidente ng ating Partido Ak bayan ay hindi na sapat ang ‘party-list’ at ‘patches of green’ na pagtugon sa mga problema ng ating lipunan.

Litaw na ang pagkabulok ng sistema, matindi ang away ng mga elitista, malala ang kahirapan, isolated sa mamamayan ang gobyerno ni Gloria, lahat ng pwersa ay mahina, nakakapangibabaw lang si Gloria dahil sa hawak niya ang kontrol sa pinansya at mga susing institusyon. Isa sa mahalagang salik ay ang kawalan ng alternatiba na papalit sa kanya, umiiral ang kawalang tiwala ng mamamayan, maaaring agam-agam dulot ng nagdaang mga pag-aalsa sa EDSA na wala ring pagbabagong naibigay sa buhay ng karaniwang tao liban sa patuloy na hirap at kawalang kapangyarihan.

Sa kasalukuyan, ang ating Partido Ak bayan ay natapos ngayong buwan ng Hunyo ang pormal na konsolidasyon ng ating buong kasapian at pagsasaayos ng organisasyon mula tsapter tungo sa mga dibisyon. Malinaw ang latag at may tibay ang konsolidadong organisasyon natin upang tugunan ang hamon sa atin na hindi kasagutan sa problema ng ating lipunan ang ‘Party-List’ at ‘ Green Pa tches’. Kailangan na maipakita o mapatampok ang ating Partido bilang isang pambansang pampulitikang partido na may kakayanang maghain ng kalutasan sa mga problema ng ating lipunan sa pamamaraang konstitusyunal.

Ilagay na natin sa agenda ng ating Partido ang pag-agaw sa pampultikang kapangyarihan sa malapit na hinaharap. Ang darating na eleksyong 2007 kung matutuloy ay larangan ng ating paghahanda upang magpatampok ng mga alternatibo, progresibo at popular na kan didato sa pambansang saklaw. Palalahukin natin si Etta, Randy at Walden, bilang mga kan didato ng ating Partido sa pagka-senador, titiyakin natin ang 3 upuan sa party-list, maging sa mga distrito kung meron tayong kandidato, sa lokal na larangan, itataas natin ang pamantayan sa pagpili ng mga kandidatong patatakbuhin ng Akbayan.

Isa ang larangang elektoral upang pabilisin ang kumpas ng pagpapakilala na ang Partido Ak bayan ay nagtataguyod sa batayang interes at karapatan ng mamamayang Pilipino, kaiba sa mga elitista at maging sa mga ekstremistang kaliwa.

Sa darating na Oktubre ay gaganapin natin ang ikatlong pambansang kongreso ng ating Partido, dito ay maaari nating pagpasiyahan ang mga pagbabago sa ating Konstitusyon, Plataporma at GPOA upang umangkop at tumugon sa bagong katangian ng ating Partido. Dito rin natin pagkakaisahan ang laging sinasabi ni Ronald Llamas na “talk like, walk like, act like a ruling party”, upang pare-pareho nating maramdaman ang init ng hamon at magkakapantay ang ‘passion and intensity’ sa pagsasakatuparan ng ating layunin. Walang pagdududa, masigla at handa sa anumang sakripisyo ang bawa’t isa sa atin sa pagharap sa hamon.

Bukod sa lahat ng ating pinagkaka-abalahan para sa ating kongreso ay hinaharap di natin ang kampanya sa impeachment, noong a-27 ng Hunyo ay tayo ang nanguna kasama si Bishop Yniguez ng simbahang katoliko sa pagsasampa ng kasong impeachment na inendorso ng ating tatlong representante. Bukod sa impeachment ay aktibo rin nating nilalabanan ang mga harrassment at maging pagpatay sa ilang lider magsasaka ng mga organisasyong nakapaloob sa payong ng Akbayan.

Ang 8 – taon ng ating Partido sa larangan ng pakikibaka sa elitistang sistema at pagtataguyod sa interes ng mamamayan ay kinakitaan ng mabilis na momentum ng pag-angat sa iba pang pampulitikang pwersa. Gumuhit ang ating Partido ng ibang projection kumpara sa mga trapo, ekstremistang kaliwa at maging sa mga kahanay na bahagi ng demokratikong kaliwa. Nilalapitan at kinakausap tayo ng iba-ibang grupo na ayaw ituring ang kan ilang sarili at organisasyon bilang trapo, ayaw sa ekstremistang kaliwa at hindi palagay sa ibang nasa demokratikong kaliwa. Nariyan din ang oportunidad ng usa pan o ugnayan sa mga ‘modernizing elites’.

Sa umiiral na walang patumanggang krisis pulitikal sa ating bansa ay may kabilang bahagi ito ng mga pampulitikang oportunidad. Ang hamon sa atin kapag wasto ang naging tugon at pagkilos ay malaking pag-igpaw ito sa katayuan ng ating Partido at paghahanda sa papel natin bilang alternatibo sa bulok na elitistang paghahari. Ang katuparan ng ‘Participatory Democracy, Participatory Socialism’ tungo sa maunlad na Pilipinas.

Handa ka na ba?

Life is life…


Posted in Uncategorized | Comments Off

Ang Nakaraan, balik-tanaw

Ang Kwento ko sa Nakaraang AKBAYAN 3rd Regular Congress

Sa Gitna ng umiiral na krisis sa ating lipunan, habang laganap na pandama ang kawalang-katiyakan at naghihintay sa posibilidad ng ganting-atake ni Gloria at habang umaasam na may magaganap pang aksyong ekstra-konstitusyunal o mas mataas pang tipo, mapatalsik lang sa pwesto ang nagpapanggap na Pangulo ng Pilipinas.

Sa gitna ng mga alinlangan, kawalang – kapanatagan, naghihintay, nag-aabang sa mga matitinding bakbakan na maaaring maganap, pagpihit ng mga sitwasyon – negatibo o positibo man, ang hamon ay harapin magpalakas, magkonsolida, itaas ang taya sa laban iyan ang hamon sa Akbayan.

Naghatian nagtokahan komprehensibong gagampanan ang mga gawaing naghahanda sa kongreso kaalinsabay ng regular na gawain, higit sa ilang patung-patong na gawain ang nagsilbing gatong upang magaang na gampanan ang mga indibidwal at kolektibong hamon.

Sa proseso ng paghahanda sa kongreso, walang tigil na mga iskedyul ng pagpupulong ng magkakaugnay na komite, mainit, masigla, puno ng dedikasyon at ibinuhos na talino ang bawa’t sandali ng mga talakayan, debate, palitan ng kuru-kuro at maging paminsan-minsang init ng ulo.

Lukob ang ating paghahanda sa regular na kongreso ng mga kalagayang bagabag ang buong nabubulok na sistema ng elitistang paghahari, banta ng batas militar, political killings sa extreme left, deception and deceit, threats and intimidation sa mga grupo ng bagong demokratikong kaliwa,

dibisyon ng oposisyon, kawalang-pakialam sa pulitika ang malaganap na nadarama ng mamamayang abala sa pag-apuhap ng ikabubuhay sa susunod na araw, ang mga organisadong kilusan hirap sa malakihang mobilisasyon, kung walang ayudang pinansyal, matamlay ang kabataan, karir naman sa mga panggitna o makalayas sa bwisit na bayang ito ang pangarap.

Aktibong tumugon ang buong kasapian sa panawagang konsolidasyon, mula tsapter hanggang mga dibisyon ay kumilos, pinagana ang mapanlahok na demokrasya sa mga ginanap na pormal na asembliya, maraming bagong halal na lider at mga teritoryong nabuksan, may nabawas may nadagdag.

Aktwal na kaganapan sa mga isinagawang paghahanda, sinubok ang mga dress rehearsals, nakakatuwa, may kilabot ng nerbiyos ang nadarama kapansin-pansin ang kalitatibong pag-unlad ng Pambansang Konseho, sa mga matatalas na prosesong parlyamentaryo at diskusyon ng mga punto.

Hindi pa man bumababa ang tama ng umaatikabong palitan ng kuru-kuro at balitaktakan, kagyat ng hinarap ang sukatan kung gaano kahanda sa pinaghandaang makasaysayang pangyayari, ang pagdaraos ng ikatlong regular na kongreso ng ating Partido,

isasalang ang lahat ng pinagpaguran, pinagpuyatan, pinag-initan, pinag-debatehan at pinagkaisahang mga dokumento sa plataporma, pangkalahatang programa ng pagkilos, amyenda sa konstitusyon at ang mismong katuparan ng mga konsepto at daloy ng programa.

Nakakatuwang isipin ang kapasidad ng ating Partido na magmobilisa ng mga kasama, kaalyado, kaibigan na mag-ambag ng oras at talino sa prosesong dinadaanan, mapanlahok na demokrasya, pagkilala sa pagkakaiba-iba at nagkakaisa sa pangarap na kamtin ang bukas.

sa gilid-gilid naman ay may nangyayaring alingasngas sa napipintong pagkalas o pagsasamantala sa oportunidad ng krisis upang maglarga ng isang pesanteng party-list na ang paliwanag ay higit pang nagpalabo. Nakatayo daw sa dalawang paa pero magkaiba ang tinutuntungan.

Bahagi lang ng pag-edad ng ating Partido ang mga dinaanang pagsubok, lumilinaw ang depinisyon ng pluralismo, umaalis ang nahahatak ng kinang ng salapi na sandata ng mga elitista, tumitibay naman ang mga naiiwan sa batayan ng inaasam na sa atin pa rin ang darating na bukas.

Natapos na ang mga pinag-handaan, luminaw ang proseso ng mapanlahok na demokrasya at mapanlahok na sosyalismo, hinasa at pinatalas ng binagsakang Plataporma, GPOA at inamyendahang Konstitusyon, may  mapait na panlasa ang iilan, pero puno ng tamis ang ngiti ang kalahatan.

Nagwakas ang ikatlong regular na kongreso, baon ang panibagong hamon, ngayon ang pagpapasya, ngayon ang paninindigan, sa atin, sa mamamayan ang magandang kinabukasan, matatag na Partido, malakas na baseng teritoryal, matibay na pormasyon ng kilusang masa, manggagawa, magsasaka, mangingisda, kababaihan at kabataan, sama-samang haharap sa mga pagsubok upang wakasan ang elitistang kapangyarihan.

Mabuhay ang Akbayan! Mabuhay ang mamamayang Pilipino! Isulong ang Mapanlahok na Demokrasya, Ipagtagumpay ang Mapanlahok na Sosyalismo!

25 Oktubre 2006

Life is life…

Posted in Uncategorized | Comments Off

balik sa nakaraan

Wednesday, August 16, 2006 6:37 PM

mukhang sa kalagayan ng pagkilos natin ngayon dadaanan uli natin ang rimarim ng kalupitan ng mga mananakop na hapon, ginagahasa ang kababaihan, binabayoneta ang mga sanggol at hindi lang simple ang pagpatay sa mga gerilyero.nang lumakas ang paglaban ng mamamayan ang tagumpay ay inani ng amerikano bago ipinasa sa papet na gobyerno, ang mga makabayan, matatapang na mamamayan at rebolusyonaryo ay hinanting at binansagang masasamang tao.

sa proseso ng demokrasya ng elitistang sistema matapos ang gyera, lumahok sa parlamentaryong pakikibaka ang magkasanib na sosyalista at komunista, nakapagpanalo ng mga representatibo ng mamamayan sa kongreso pero hindi pinayagang makapanungkulan para ipahayag ang programa ng taumbayan, sa pakiramdam ko bumabalik tayo sa nakaraan, ang proseso ng impeachment na maglalantad sana sa mga kabulukan ng pekeng gobyerno ay hahadlangan ng mayorya, hindi mayorya ng mamamayan, kundi mayorya ng mga ganid at sakim sa kapangyarihan na siyang may hawak ng kongreso.(nag-walk-out ang mayorya matapos isumada ni lagman na dead on arrival ang impeacment case, grabe, sarkastikong ipinamumukha sa oposisyon na wala kayong suporta ng taumbayan kahit bastusin pa namin kayo)(sensya na luma na ang mga terminong gamit ko, kasi luma na rin ako pero di pa ako buhay noong panahon ng hapon, ewan ko si doy, mas luma siya pati sa musika)

nagpatuloy ang paglaban sa kalsada at mga kabundukan, naging epektibo ang divide and rule, nangibabaw ang kultura ng masayahing pinoy, sa gitna ng dilubyong iniwan ng mga hapon at amerikano para isalba tayo ay unti-unting bumangon, nakangiti, nakatawa habang hinaharap ang mga laban sa gutom at kahirapan, nagkokonsolida naman ng kayamanan at kapangyarihan ang mga naiwan at nagbabalikang mga elitista na nagtago sa ibang bayan noong panahon ng gyera.

ang kaliwa nahati rin, may sumulpot na bagong grupo at kinalimutan ang lahat ng hirap at sakripisyo sa ginawang pakikibaka noong panahon na ang mga dayuhang mananakop ay siyang may kontrol sa ating bayan, binansagan sila ng kung anu-anong termino, rebisyunismo, reaksyunaryo, repormista at ang pagiging rebolusyonaryo ay pagmamay-ari lamang ng mga bagong magsusulong sa adhikain ng mamamayan. ( hayyy buhay, nauulit na naman ang kasaysayan, ang hirap hanapin ng batayan para sa totoong pagkakaisa ng mamamayang Pilipino…history repeats itself…)

ang hanay ng mga elitista ay konsolidado kahit nag-aagawan sa pamumuno sa gobyerno, ang hanay ng mga rebolusyonaryo ay konsolidado ayon sa kanya-kanyang pananaw kung paano babaguhin ang lipunan, kaya ang taumbayan ay nalilito, saan ba ang daan tungo sa pagbabago.

ang larawan ng demokrasya matapos ang gyera ay ang malayang mga pahayagan at eleksyon pero ang kayamanan at kapangyarihan ay nakasentro lang sa elitistang iilan. sa kontekstong ito pumasok si marcos para kontolin ang sistemang elitista at ipasok ang mga malalapit sa kanyang sirkulo at patakbuhin ang gobyerno ayon sa kanyang direksyon, pero hindi naging sapat ang dalawang termino sa pagka-presidente, iba ang dating’ pag hawak mo ang kapangyarihan kung kaya nagsagawa siya ng mga maniobra para mamuno habang-buhay at iyan ay sa pamamagitan ng batas militar.

nagpuputok ang kalooban natin sa galit sa ginagawa ni marcos noong araw sa paglabag sa karapatang pantao, makapangyarihan ang militar, walang boses ang taumbayan (walang eleksyon at malayang pamamahayag), namamayagpag ang piling mayayaman habang nagdidildil ang mayoryang mahihirap. matapos ang labing-apat na taon ng batas militar ay saka lamang mapagpasyang nilabanan ang pasistang paghahari para manumbalik muli ang makalumang demokrasya.

nagpasya ang taumbayan na wakasan ang diktadurang paraan ni marcos, naganap ang pipol power, nanumbalik ang demokrasya ng mga elitista (may eleksyon at malayang pamamahayag) pero kontrolado pa rin ng iilan ang kapangyarihan at kayamanan, nasa gilid-gilid lang ang mga organisado at progresibong pinoy na nabibigkis sa mga ngo at po, tuloy pa rin ang armadong pakikibaka ng kaliwa kahit na nabawasan na ang kapangyarihan ng mga militar.

sa proseso muling nakapagkonsolida ang mga elitista nagkabati-bati sila para panatilihin ang elitistang sistema sa ating lipunan, samantalang sumulpot ang makabagong kaliwa na humahamon sa kapangyarihan ng mga elitista sang-ayon sa parametro ng konstitusyon na sila rin ang may likha, samantalang ang lumang kaliwa ay nagkabiyak-biyak sa paniniwalang armado lang ang tanging paraan ng pagbabago at sa kabila naman ay maraming paraan para baguhin ang bulok na sistema.

tuloy ang pasasa ng iilan, tuloy naman sa kahirapan ang mayorya pero nakahanap na ng pang-tawid gutom ang dumarami nating kababayan sa pamamagitan ng pagpapa-alipin at pagpuputa sa ibang-bayan.

kung saan-saan na tayo dinala ng elitistang demokrasya, may presidenteng  popular, heneral at maka-masa at sa ngayon ay mandaraya naman, nagsawa na ang taumbayan, mahirap na uling pukawin ang pipol power, dadaan na naman tayo sa isang proseso ng pag-oorganisa at pagmumulat. epektibo ang paraan ng mga elitista para i-preserba ang sistema ng lipunan na nagpapanatili sa kanilang yaman at kapangyarihan, nag-aaway-away man kung sino ang nasa ibabaw pero hindi sila papayag na mapasakamay ng taumbayan ang kapangyarihan, kung kaya ang impluwensya ng oposisyong elitista ay matatagpuan sa mga nagbabangayang kaliwa na ipinangangalandakan ang paglilingkod sa mamamayan pero hiwa-hiwalay kaya mahina. (may phd ang mga elitista sa divide and rule habang nananatili namang elementary ang ilang pinuno ng ekstremistang kaliwa)

balik pasista na naman pero hindi dama ng mayorya na umiiral ang kamay na bakal ni Gloria, sa dahilang walang curfew sa mga sentrong lugar, ‘malaya’ ang midya kahit na pinapatay ang ilang may lakas ng loob na maglantad ng mga kabulukan sa ilang lokal na pinuno ng pamahalaan, may pag-asang matuloy ang eleksyon sa 2007 kahit na minaniobra na ng singaw ng bayan ang PIG. kanya-kanya, hiwa-hiwalay ayaw na ng pulitika, hanapbuhay muna yan ang malaganap na sintimyento ng taumbayan, kung kaya kahit araw-araw may biktimang mga lider aktibista ang mga death squads ng afp at pnp, halos hindi na ito pansin.

kaya sa malamang balik na naman tayo sa square one ng pagkilos, kailangan na tasahin natin ang mga naging pagkilos sa nakaraan at sukatin kung tama ang kondukta ng pakikibaka, kailangan nating lampasan ang talino hindi man sa pinansya ang mga elitista, susi pa rin ang pagkakaisa, halawan natin ng aral ang tagumpay ng ibang bansa, isantabi ang ideological differences para sa greater interests ng taumbayan, kung hindi natin magagawa ngayong dekada ang pagkakaisang ito, huwag na tayong umasa pa na magiging mapagpasya rin ang mamamayan sa pagbabago ng sistemang panlipunan, patuloy lang tayong paglalaruan ng mga elitista. hayyyy buhay, doy inom na lang tayo….

Life is life…


Posted in Uncategorized | Comments Off

Ang Mandirigma Para sa Sambayanan

Ang Mandirigma Para sa Sambayanan
Ni Emmanuel Lacaba

Ang mandirigma para sa sambayanan ay isang atleta:
Umaakyat sa bundok, hindi dahil sa iyon
Ay naroon, kundi dahil sa naroon ang masa.
Siya’y isang sirkero: pinapanimbangan ang sarili
Sa mga buwal na kahoy na tulay sa mga ilog
At mga dambuhalang talon ng tiyak na kamatayan.
Katulad ng isang aktor: sa tanghalan ng pakikipaglaban;
Isang matapat na aktor, sapagkat ang masa
Ang pinakamahusay na tagahatol, nakababasa ng mga mukhat
Katawan
At nakababatid kung ikaw ay nagsasabi ng katotohanan, o basta
Nagbubulaan. Ang mandirigma ng sambayanan ay isa ring
Komedyante: ipinamamalas sa masa ang kabalighuan,
Ang kabalintunaan ng kanilang kalagayan
Ang tunggaliang namamagitan sa inaalipin ngunit nagpapatulo ng
Pawis
At sa naghaharing walang gapatak mang pawis mula sa kanyang
Dekutsong kotset opisina at marmol na inidoro;
Ang masay pinasisigla ng mandirigma ng sambayanan upang malugod
Na sumuong sa digma, ngunit taglay ang lahat
Ng katatagan; siyay nagpapatawa, upang mapalapit
Sa kanya ang kalooban ng masa, siya
Nakabilang sa kanila
At kauukol sa kanila sa unang pagkakataoy nasasandatahan
Ngunit di mapagsamantala, siyay mandirigma ng sambayanan.


Posted in Uncategorized | Comments Off

kwento, kwenta, kwatro syentos singkwenta

Friday, May 25, 2007 6:06 PM, eto yung date ng isulat ko ang kwento, kwenta, kwatro syentos-singkwenta, personal na pagtatasa ko sa nakaraang 2007 elections na kung saan ang resulta ng nakuha nating boto ay 450,000 plus. nakita ko lang sa mga files ko, naisip kong i-post na dito, tutal ako lang naman ang nagbabasa sa blog na’to. pero pag grade one na ang apo ko, ipapabasa ko sa kanya lahat ng mga post ko, para naman meron na akong avid reader….

maraming tao, makilos, magalaw ang mga nasa hq
labas-masok sa kanya-kanyang kwarto
kape o tubig na malamig ang sinadya
kalat-kalat ang umpukan, may kwento , may balita

dalawang araw na ang nakaraan matapos ang halalan
kwento mula noong araw ng halalan ay nasa hangin
pero iba ang ina-antabayanan, may hinihintay
mga balita ng talunan at nanalong mga kandidatong lokal
mga kasapi at lider ng partido, mga kasama, ka-alyado at kaibigan
nagpasyang tumakbo lumahok sa elitistang karera

sila ang mga kwentong nagtataas lamang ng kurtina
sa pangunahing kwento ng bida
ang talagang sabik na pinakikiramdaman
nangunguna ba ang Partido Akbayan
sa party-list na ngayon ay mayor na larangan din sa halalan

tunggalian ng kakatawan sa karaniwang mamamayan
sistemang party-list dulot ng demokratikong espasyo
sa tagumpay ng pipol power laban sa diktadura at corrupt na gobyerno
sa elitistang kongreso ay may kinatawan ang karaniwan

may pangamba, may pag-aalala, may duda at agam-agam
pero may saya, may tuwa umaasam na tayo ang nagunguna
mabagal ang bilangan, may pinahintong ilan
tatagal pa ba tayo sa laban, may paghahanda ba sa taktika ng kalaban
kung walang pinansya titirik ba ang makinarya,
mahirap walang mata at tenga, tiyak ang tagumpay ng elitista

ang pangamba ay mula sa naging kondukta
sapat ba o kulang, mga planong isinakatuparan
o ang pangunguna ay nakaasa lamang sa pandama at pag-asa
tayo ang kakampihan ng taumbayan
kamumuhian nila ang mga instrumento ng elitista
nagtataguyod lamang sa istabilidad ng sistemang nabubulok na

pero ito ay pangarap lamang, sapagka’t ang katotohanan
ang nangingibabaw sa labanan ng opinyong publiko ay hindi tayo,
nag-aagawan sa limelight ang mga ekstremista ng kaliwa at kanan
nariyan din ang mga party-list na taguyod ng mga grupong relihiyoso
pangalawa, pang-lima o pang-pito ang tayo ng ating partido
depende sa nag-sarbey, SWS, Pulse Asia o iba pa
dito nagmumula ang pangamba, ano ba talaga kuya….

balik-tanaw tayo sa ating kondukta ng kampanya
hindi nahuli, hindi napaaga, tama lang ang timing
konbersyon ng organisasyon bilang makinarya sa kampanya
sapat ang paghahanda sa usapin ng pagtukoy sa magkaka-ugnay na makinarya, mga tatayong timon sa bawa’t kahon
isina-alang-alang ng husto ang kasalukuyang sitwasyong pulitikal
binasa at tinilad pero ang pinag-hugutan ng taktika ay kakulangan ng pinansya at lohistika, para bang ang plano sa komplikadong sitwasyon ay simpleng solusyon, kung ano lang ang kayang gawin mula sa itinatakda ng kondisyon ng kasalatan…

20/20 atas sa mga myembro, kapag sumunod ay lilikha ng 1.6 milyong boto, pinagkaisahan, inaprubahan at isinulong sa komperensyang elektoral, nilahukan ng mga pangunahing lider at makaranasan sa larangang elektoral, pero hindi nilapatan ng karampatang badyet upang tiyakin ang solidong unipikasyon hanggang sa kahuli-hulihang kasapi ng ating partido, parang tinatakal, pinaghahati-hati ang rasyon at ang mahigpit nating pinanghahawakan ay ang pag-unawa ng ating mga kasapi sa kapos na kalagayang pinansyal ng partido at ang kaalamang ito ang siyang magtutulak sa bawa’t isa na itaas ang komitment at sakripisyo upang makapag-deliber ng target na boto…

dalawang milyong boto para maging numero uno, magmumula sa market votes at mass movement ang karagdagang 400,000 boto, tiwala tayong lahat na kayang ideliber ng ating kasapian ang pinagkaisahan para maging numero 1 at nakatingin sa darating na taong 2010, ang tagumpay natin ngayon ay sukatan sa kakayahan natin sa hinaharap. malinis ang layunin , marangal ang kilos at balakin pero hindi sapat na umasa lamang sa pag-alinsunod ng kasapian sa atas sa dahilang hindi pa natin nasubukan ang kakayahan sa ganitong paraan, malambot na salalayan ng pagsusuri ang previous record delivery of votes natin bilng pangunahing salik sa pagkonsepto ng command machinery at mula dito ay siyang maging batayan ng materyal na alokasyon ng lohistika at pinansya…

sa maagang yugto ng kampanya, kagyat na nakitang hindi pa sapat ang kakayahan ng ating organisasyon, sa isang kumpas lang ay aalinsunod sa atas kahit na kulang sa ayudang pinansyal, nasa yugto pa lamang tayo ng pagpapa-unawa sa ating kasapian sa kahalagahan ng ating ipinaglalaban…
ang sistema ng lipunan na ating papalitan na isinusulong ang pangarap ng aktibong mamamayan, at hindi sa tradisyunal na nabubuhay lamang sa tuwing may eleksyon at may pagkakaperahan, hindi pa sapat ang naipupundar nating kamulatan upang asahan na mangingibabaw ang dedikasyon, komitment at sakripisyo para makapag-ambag lang sa pangarap nating lipunan. hindi pa ganito ang kahandaan ng ating kasapian

ibinalik natin sa dating kondukta ang kampanya kaalinsabay na hindi binibitawan ang 20/20 estratehiya, pero nakatuntong na sa kaisahang ngayon idedebelop ang kapasidad ng organisasyon ng partido sa kalitatibong pag-unlad, sabay ang tradisyunal na pangangampanya kaya lang pigil- na pigil pa rin ang bwelo sa kakapusan, mas maliit pa ang badyet natin ngayon kumpara sa nakaraang 2004 na nakuha ang sobra-sobrang boto para sa maksimum na 3 upuan…

ang krisis pulitikal na naglantad sa mga nabubulok na institusyon ng elitistang sistema, na siyang pangunahing salalayan ng ating mga taktikal na pagkilos, ay direktang binangga ni gloria…..pinasok din niya ang larangan natin sa sistemang party-list, nagbuo, pinondohan, tinauhan ng mga taong ang kasanayan ay mga dating kadre din, nagmula rin sa iisang hubog ng mga pambansa-demokratikong pananaw pero ngayon ay nagtataguyod na sa pagpapapanatili ng sistemang bulok… na dati ring nilabanan…

bukod ito sa pisikal na pagbira sa mga lider ng mga ligal na organisasyon ng mga RA, nagdulot rin ng pagkasira ng kanilang imprastruktura sa mga kanayunan bunga ng takot na dulot ng pagbira…. sa ibang grupo ng kaliwa, hindi pisikal ang ginamit na pagbira kundi sinilaw sa pera para humiwalay sa kinapaloobang pluralistang partido at nagsarili ng kilos…ang tunguhing estratehiko ay itinuring na taktikal, nagdulot ng tagumpay sa mga elitista

ang nakaraang 3 taon ay nagbunga lamang sa konsolidasyon ng ating partido sa kanyang mga batayang istruktura at ang nangingibabaw na kaalaman ay ang batayang oryentasyon sa partido lamang, kung meron mang nadagdag ay ang kaalaman sa kalagayang pulitikal at pakikibaka laban sa cha-cha at impeachment sa mandarayang pangulo ng bansa, kulang at kapos din ang kakayahan pa ng ating kasapian sa sistema komite at kolektibong pamumuno, nangingibabaw pa rin ang tradisyunal na kaalaman sa pakikibakang elektoral, ganyan ang kapasidad ng ating organisasyon, pero ang mga elitista ay tinapatan tayo sa larangang atin pa lang pinaghuhusay….

tradisyunal na paraan din ang gamit ng mga elitista pera at lohistika, kontrol sa mga institusyon at kapangyarihan, divide and rule, panunupil pananakot at pandarahas, lamang at nangunguna sa lahat ng hakbang at nakikipag-unahan sa direksyong ang tunghin ay kontrolin din ang larangang pinapa-unlad pa lamang natin at nakasalalay sa pagbibigay kapangyarihan sa mamamayan at kanilang pagkilos…

ang tumatalas na sanang sandata para marinig ang boses ng maliit na nagpapahayag ng alternatibo at progresibong lipunan ngayon ay mahigpit na hinahadlangan at nilalabanan ng mga elitistang nakaramdam na sa namumuong kapangyarihan ng aktibong mamamayan kung kaya kailangang hadlangan wasakin pahinain paghiwa-hiwalayin upang tumibay mapanatili at makapangibabaw pa rin ang sistemang elitista at tabunan ang nabubulok na mga institusyon at patagalin pa ang kontrol sa kapangyarihan at kayamanan sa kamay ng iilan….

sa tingin ko hindi pa handa ang kapasidad ng ating partido sa inilatag na laban sa atin ng mga elitista ngayong 2007 na ang kalalabasan sana ay pagbasura ng mamamayan sa mandarayang gobyerno ni gloria, lilitaw pa lang ang ating base konsolidado at mga lider na may dedikasyon sa pag-abot sa pangarap, may aabutin tayong matyuridad, paghahandaan na ang susunosd na laban na mas determinado at kayang tapatan ang mga pakana ng elitista sa paano mang larangan na kanilang itatakda o tayo ang guguhit….

ang pangamba, ang takot ay nagmumula rin sa pangamba, ang pangamba ay lumilikha ng takot, ewan ko ba ano bang pakiramdam ‘to nasusuka ba o natatae, gutom ba o busog , ewan ko ba ganito ang pakiramdam ko noon sa tuwing may nakasalang na operasyon, ang sabi ng iba ito ay adrenaline rush, ang pakiramdam na hindi takot, ang pakiramdam ng tagumpay, ang pakiramdam ng matatag na bukas, ang pakiramdam ng susunod na hamon, ang pakiramdam ng nakikita ang kahinaan sa gitna ng labanan at naghahanda para sa susunod pang laban….sa yugto ng labanan ngayon, mahalaga pa ang papel ng lakas ng kalaban, kailangan nating lubos na maunawaan ang paggamit sa lakas na io ng kalaban upang palakasin ang ating hanay, sa ating paglakas ay siya namang paghina nila at ito na ang mapag – pasyang yugto ng labanan ang kahandaan ng mamamayan sa pag-agaw sa kapangyarihan at may taglay na kapasidad na kayang patakbuhin ang inaasam na bagong sistema ng lipunan…pluralista mapagpasya ang tinig ng nagkakaisang mamamayan upang itaguyod ang interes ng tao upang maging ganap na tao….

Life is life…


Posted in Uncategorized | Tagged , , , , , , , | Comments Off

Trese

Trese, 13, labing-tatlo, thirteen, di ko na alam pa sa ibang salita, naaalala ko lang pag a-trese, ito ay malas na numero, dapat iwasan, sabi ng matatandang sinauna. Pag biyernes a-trese, dapat mag-ingat, kung wala din lang importanteng gagawin sa labas ay huwag ng gumala pa at malamang ang aksidente. May matataas na building na walang 13th floor.  Pinalala pa ang takot  ng magkaroon ng serye ng pelikulang ‘friday the 13th’, napaghalo na ang mga kasinungalingang hinabi ng mga kastilang kolonyalista at propaganda sa puting tabing ng mga imperyalistang kano.

Pero iba ang obserbasyon ko, maaaring impluwensya ng DHM, lahat ng bagay ay magkaka-ugnay, ang lahat ay may siyentipikong pamamaraan at paliwanag sa mga bagay na nagaganap sa paligid, kung kaya kahit matatakutin ako sa dilim noong bata pa, ay malakas ang loob at buong pusong tinanggap ang gawain sa kabundukan ng Timog-Katagalugan kahit na sabi nga ng mga makata, ‘pusikit ang kadiliman’ hindi ko kinatakutan. Sa paniniwalang ang aswang, ang multo, ang malas at swerte ay mga imbento lang ng mga kastila, upang takutin ang mga Pinoy na walang muwang.

Iba ang tingin ko sa trese, hindi magiging tama ang pagbilang kung wala ito, hindi tayo aabot ng katorse, kinse, and so on and so forth. Sa tingin ko, eto ang bilang ng paglampas sa isang dosena, kumbaga sa tao, ito ay isang yugto sa buhay, tapos na ang pagiging bata pero hindi pa binata, simula ng pagbibinata, pagdadalaga, (‘di ko ‘lam tawag sa LGBT) nagtatanong, naghahanap ng direksyon, naninindigan, nagmamahal, umaalma, sumusunod sa agos, nakiki-tropa, nangangarap, kumikilos, nagpupursige o nalalampasan ng pagkakataon.

Parang tayo, nagseselebreyt tayo sa pagiging trese, ang kakampi natin ay nagselebreyt din ng pagiging sixty-five (yun namang nasa dulong – kaliwa nagselebreyt ng lampas dalawang dekada ng pakikibaka na sila lang ang tama o may tama). Tayo ay puno ng pangarap, may pag-aalinlangan pero may katiyakan ang paninindigan. Sila ay may gulang na, sanay na sa sistema, sila ang may hawak ng kapangyarihan. tayo ay umaaktong solido, sila ay nagkukunwang solido kahit na litaw na ang anyo nila ay pinaghalong kalamay. Tayo ay nakasakay sa kanilang hawak na kapangyarihan, kung saan tayo dadalhin, sa tagumpay o kabiguan, hindi trese ang dahilan.

Ang trese ay hamon, ang trese ay pagpapasya, ang trese ay pagpasok sa panibagong larangan ng labanan, maaaring hindi ang pangarap nating lipunan na mapapawi ang pagsasamantala at pang-aapi ng tao sa kapwa tao, pero ito ay lampas sa sandosenang taon ng pagpupunyagi upang itayo ang lipunang pangarap sa mas mataas na yugto. Anuman ang kamalian na kakaharapin natin sa taktikal na pakikitungo sa tinagurian nating ‘modernizing elite’ ay patungo sa kabiguan ng ating mga pangarap.

Ang trese ay kalibugan, sa pagsalsal ng isipan, hindi dogma ang lumalabas kundi mga katotohanan ng ngayon at kung paano ito ilalapat sa estratehiya at taktika natin patungo sa pangarap na sosyalistang lipunan.

Mabuhay ang ika-13 anibersaryo ng A!.

Posted in Uncategorized | Comments Off

hamon ng straight road

Ang Hamon sa Isang Sosyalista ng Nagbabagong Panahon: Saan ba Patungo ang Tuwid na Landas

Mula sa imahinasyon ni kulas. (Enero 21, 2011)

Halaw sa mga aktwal na karanasan ng taong-grasa kolektib mula sa kanilang pang-araw-araw na pangangalap ng politikal tsismis, aka. Meetings, seminars, workshops, conferences at pinakamasaya sa mga pagtatagpo ay ang mga solidarity nights, may kainan, inuman, kwentuhan, lektyuran, love-life-an, sentihan, tampuhan, batian, plastikan at higit sa lahat ito ay may isponsor….libre…paminsan-minsan may patak-patak.

Basa lang…huwag seryosohin….pag nasakyan…ipalaganap, pulutanin sa mga inuman.

Ang Tuwid na Landas ayon kay Pnoy

“Kung Walang Corrupt, Walang Mahirap” astig ’to, napasimple masyado ang matagal na nating ipinapalaganap na ugat ng kahirapan at ang mga solusyon dito. Ang bilis ng pangyayari, naging kabahagi ang ilang susing kadre ng BISIG sa kampanyang Noy-Mar-LP-Risa-Danny-Akbayan.

Konting background

Malinaw ang mga batayan sa pagpasok sa alyansa sa pagitan ng LP at Akbayan, ‘modernizing elite’ ang mga namumutawi sa bibig ni Daga, (sabay dampot ng pulutan). Ang ating layunin ay itulak ang ating Socialist Agenda sa mga malilikhang espasyong demokratiko, maikonsolida ang ating hanay at mapagtibay higit ang ating mga sosyalistang base, ayon naman kay Isda habang nagsasalin ng tagay. Hindi pwedeng hindi ako magsasalita sa palitan ng kuru-kuro ng mga pinuno ng taong grasa, kung kaya bigla kong binigyan ng isang bagsak ang lamesa at sabay sambit pasigaw ‘Walang ilusyon sa tagumpay ng tambalang Noy-Mar na ito kapag naipanalo’. ‘Hindi ito ang sagot natin sa sosyalistang rebolusyon, kundi ito ay hakbang lamang patungo sa dako pa roon ng pagkaka-pantay-pantay’, (tagay ng mabilis)

Umaalingawngaw naman sa bawa’t pagta-tagpo ang mga habilin ni John Lloyd (kailan lang pinalitan ang kanyang screen name). ‘Ang ating pakikipag-alyansa sa LP-Noy-Mar ay umaayon sa ating pagsusuri na ang mamamayan ay malaki ang inaasahan sa halalan, naghahangad ng pagbabago, mula sa 9 na taong pamumuno sa gobyerno na  ganid, manhid, ang kapal ng mukha (GMA), kahit boluntaryo o wala/konti ang  aasahang pinansyal na suporta sa kampanya. Ang NP-Villar-Loren-RA na sabwatan ay may pakikipagkasundo kay GMA, suportado niya ang sabwatan basta huwag lang siya birahin sa kampanya at huwag tugisin sa panahon na sila ang manalo. Si Villar at Arroyo ay iisa, walang pinag-iba, magpapatuloy lang sa garapal na paghaharing elitista ang gobyerno pag si Villar ang nanalo. Kung kaya nabuo ang kampanya laban sa sabwatang VillArroyo.

Samantalang ang mga RA naman ay kitang-kita ang pagiging oportunista na nagtatago sa ‘revolutionary pragmatism’ kuno ang pakikipag-alyansa kay NP-Villar-Loren. Daang milyon ang kinita sa pakikipagsabwatan sa isang pumupusturang maka-mahirap pero ang kanyang pagyaman ay may bahid ng dugo at pagsasamantala’t pang-aapi sa mga pesanteng ninakawan ng lupa sa iba’t-ibang masasamang paraan, (may background ng tula…’at ang lumang tanikala’y papalitan ko ng ginto’).

Ang Nangyari

Panalo si Noynoy talo si Villar, talo si Mar panalo si Binay, panalo rin si GMA, talo ang RA panalo tayo. Ano ang nangyari? Nagpasya ang tao, mas higit na pinaniwalaan ang katapatan ni Noynoy kaysa sa kasinungalingan ni Villar, tagumpay ang elektoral na proseso ng pagpapalit sa pamunuan ng gobyerno, masaya ang tao, malaki ang inaasahan na pagbabago. Pati tayo nakikisaya, talakayan agad sa mga gagawin para ikonsolida ang tinamong tagumpay, lungkot naman mga RA, rali agad, tuligsa agad ayon kinainisan ng tao, sila-sila na lang ang nagrarali. Naguguluhan naman ang ibang RJ blocks, bibira o pupuri, kakampi o kaaway, debate pa sa deskripsyon sa gobyerno ni Noynoy. Hindi naman nagpahuli si Trillanes, kaagad na kumabilang-bakod, ang Magdalo ay nagpahayag na walang kudeta sa ngayon.

Ang Pangako at ang Katuparan ng Pangako

‘Tayo na sa matuwid na landas’ kaagad nagtayo ng Truth Commission, pero hindi binigyan ng katotohanan ng SC, binasura ang panukala. Matindi ang kapit ni Ombudsman Merci, tapos nangyari ang hostage crisis sa Luneta, lumitaw ang mga bloke sa loob ng gobyerno ni Pnoy. Mabilis na kumuha ng momentum ang kampon ni Gloria, tumira ng mga opensa, panggulo sa mga nangyayari.

Lumitaw ang katotohanan, mahusay na napaghandaan ni GMA ang mga proteksyon niya laban sa anumang pagtatangka na maipakulong siya dahil sa pandarambong at paglabag sa karapatang pantao. Dadaan sa butas ng karayom ang mga repormang isusulong ni Pnoy, bukod sa tanong na meron na nga bang reform agenda ang modernizing elite na ito. Delikado ang sitwasyon sa mga kadahilanang hindi ito napaghandaan ni noynoy na mangyayari, itinulak ng kagustuhan ng mamamayan ang pagbabago, wala siyang klarong bisyon saan patungo. Mahihirapan ang katuparan ng mga pangakong pagbabago kung ganito ang sitwasyon.

itutuloy pa.

Posted in Uncategorized | Comments Off

matagal na

matagal na

matagal ko ng gustong mag-blog.

gusto kong maka-blagblogan si doy cinco. gusto kong makipagtagisan sa paggamit ng Pilipino, maging kabahagi sa mga pagbabagong nagaganap sa paligid-ligid, komentaryuhan ang mga pagbabago, husgahan kong saan ito patungo. makipagbatbatan ng talino at galing sa pag-inom ng may isponsor, na ang tanging puhunan ay ikwento ang matagal ng gustong mag-blog.

gusto ko ring makipagpaligsahan kay enteng, magsukatan kami ng ‘nakatagong kaalaman’. marami siyang alam na kalokohan at mga kwentong kutsero, pero di niya alam sa german ang circumcision. gusto ko ring makipagpatigasan kay banjo, lagi niyang ipinagmamalaki ang tigas niya, wala raw sa sukat kundi nasa husay, madalas niya akong pinasisikatan, ang hindi niya alam hindi pa ako sumisikat ay nalaos na, kaya may anting-anting ako sa mga pasikat.

matagal ko ng gustong gawin ito, gusto kong manumbalik ang taong-grasa kolektib, nailalabas ang hindi seryosong bagay-bagay habang nagsasalsal ng isipan sa mga seryosong bagay-bagay sa buhay.

mabuti na lamang nasa paligid-ligid si perry, habang nagma-malingering ay nagyayabang na may blog site na siya…ayun, sabi ko gawan mo rin ako niyan, gusto ko niyan.

ayan nagkaroon na ng katuparan ang matagal ko ng gusto, sa blog ko mailalabas ang aking dark side, ang aking light my fire, ang aking helpless, ang aking all things must pass, ang aking times are a changin’ at marami pang matagal na.

salamat perry, may lalabasan na ang napasubo kong saloobin.

tara, gulay tayo!

P.S. Puro kayo kalokohan, umayos kayo!

Posted in Uncategorized | Tagged , , , , , , | Comments Off

Hello world!

Welcome to Blog.com.

This is your first post, produced automatically by Blog.com. You should edit or delete it, and then start blogging!

Posted in Uncategorized | 1 Comment